Cauayan City, Isabela- Namahagi ng tulong pinansyal ang Pamahalang Panlalawigan ng Cagayan sa bayan ng Aparri West at East, Sta. Praxedes at Claveria sa pamamagitan ng programang ‘Oplan Tulong Cagayan’.
Nakapaloob sa nasabing programa ang “No Barangay, No Town Left Behind” ni Governor Manuel Mamba na naglalayong makatanggap ang mga barangay kada taon ng tulong pinansyal para sa infrastructure projects, honoraria at scholarship funds, maging ang 28 na bayan at isang lungsod.
Tumanggap na ng nasabing tulong ang anim na bayan at isang (1) Lungsod na kinabibilangan ng Tuguegarao City, Gonzaga, Sto.Niño, Allacapan, Baggao, Tuao, at Rizal.
Ang mga benipisaryo ng naturang tulong pinansyal ay mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Day Care Workers, Barangay Tanod, Purok Scholars, Agkaykayasa members, Senior Citizens, at miyembro ng 4Ps.
Isinasabay rin sa mga distrubution ang pamimigay ng financial assitance sa mga Corn Farmers, Chicken Buy Back maging sa mga bayan na apektado ng African Swine Flu (ASF).
Umaabot naman sa halagang P7,513,700 ang naipamahagi ng provincial government sa nasabing programa para sa mga tumanggap na benepisaryo mula sa Aparri East at West habang P1,760,600 naman sa bayan ng Sta. Praxedes.
Samantala, bukod sa tulong pinansyal na naipamahagi ay isinabay na rin sa mga distribusyon ang pamamahagi ng P50,000 “Aid to Barangays” para sa 49 barangay ng Tuguegarao City, at 13 barangay naman sa bayan ng Baggao.