Lokal na Pamahalaan ng Pateros, ipinatupad na ang mahabang oras ng curfew

Nagsimula na noong Sabado ng gabi ang pinahabang oras na curfew sa bayan ng Pateros.

Ito’y matapos lagdaan ni Pateros Mayor Ike Ponce ang Executive Order no. 7 series of 2021 na nag-uutos na simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang bagong curfew hour sa nasabing bayan.

Aniya, ito ay tatagal hanggang sa katapusan ng Marso.


Kasabay nito, simula alas-10:00 ng gabi ay bawal na rin ang pag-inom at pagbebenta ng mga alcoholic drinks sa bayan sa buong araw hanggang katapusan ng Marso.

Bago nito, alas-12:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw ang sinusunod na curfew hour ng Pateros.

Sinabi rin ng alkade na plano na rin niyang pansamantalang ipagbabawal ang pag-e-exercise at jogging sa Garden of Memories at sa iba pang lugar para maiwasan ang pagkalat ng ng naturang sakit.

Facebook Comments