Sisipa na ngayong hapon ang grupo ng “OTSO DiRETSO” sa pamamagitan ng proclamation rally sa Plaza Quezon dito sa sentro ng Naga City ganap na alas 4 ng hapon.
Ang Otso Diretso ay grupo ng mga senatorial candidates na ikinakampanya ng husto ni VP Leni Robredo at nangangakong ikakampanya niya at sasamahan ang grupo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sila ay kinabibilangan ng mga batikang personalidad na subok na sa public service tulad nina dating Senador Mar Roxas, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, re-electionist Senator Bam Aquino , human rights lawyer Chel Diokno, Marawi civic leader Samira Gutoc, election lawyer Atty. Romulo Macalintal, human rights advocate Atty. Erin Tañada, at former SolGen Atty. Florin Hilbay.
Personal na iniindorso ni VP Leni ang senatorial slate ng grupo at personal ulit niyang gagawin ito sa malaking pagtitipon mamyang ngayon hapon.
Una ng ipinahayag ni VP Leni Robredo na pagbubuhusan niya ng panahon ang kampanya ng grupo dahil naniniwala siyang mahuhusay at matitino ang mga kandidato nito kung ikumpara sa mga kandidato ng administrasyon.
Sa panayam ng RMN Naga – DWNX kay Robredo, ipinahayag niya na malakas ang kanyang paniniwala na may mabuting option sa pagpili ang mga mamamayan hinggil sa nalalapit na election sa pagkasenador dahil subok ng mahuhusay at matitino ang senatorial slate ng Otso Diretso laban sa mga kandidato ng administrasyon.
Magsisimula ang event alas 4 ng hapon kung saan tampok dito ang pagpapakilala nila ng kani-kanilang mga sarili sa publiko.
Samantala, ipinahayag naman ng Traffic Management Unit ng LGU Naga City na isasara sa trapiko ang ilang mga kalye sa sentro ng Naga bilang bahagi ng security measures.
“OTSO DIRETSO” Kicks-Off in Naga City Today w/ VP LENI
Facebook Comments