Overall command center ng NGCP, balik na sa normal na operasyon

Bumalik na sa normal ang operasyon ng Overall Command Center ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong wala nang banta si Tropical Depression Amang sa anumang pasilidad nito.

Iniulat din ng NGCP na walang transmission lines at pasilidad ang naapektuhan ng pagdaan ng bagyo.

Patuloy na binabantayan ng NGCP ang weather disturbances at handang buhayin ang Overall Command Center nito sakaling magkaroon ng anumang banta sa kanilang transmission facilities.


Batay sa huling ulat ng PAGASA, naging ganap nang low pressure area kaninang umaga si Tropical Depression Amang at maaaring malusaw sa loob ng 24 oras.

Ang bagyo ay kasalukuyang kumikilos ng sampung kilometro bawat oras sa katubigan ng Polillo Quezon.

Facebook Comments