Hinikayat ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan si Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff Undersecretary Zuleika Lopez na huwag sayangin ang pagkakataon na ibinibigay ng House Committee on Good Government and Public Accountability para maipagtanggol ang kaniyang sarili.
Mensahe ito ni Libanan makaraang lumapas sa huling pagdinig ng House Blue Ribbon Committee na si Lopez at si OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta, ang pawang may kaalaman at kontrol sa paggastos ng 500 milyong piso na confidential funds ng OVP.
Si Lopez ay hindi muli nakadalo sa pagdinig nitong Lunes, Nobyembre 11 dahil na sa Amerika raw ito at nag-aalaga sa tiyahin na may sakit.
Sa halip na i-contempt at ipa-aresto ay binigyan pa ito ng isang pagkakataon ng komite para humarap sa susunod na pagdinig.
Para kay Libanan, kakaiba at hindi pangkaraniwan ang paulit-ulit na pagliban ni Lopez at ng apat pang opisyal ng OVP na pinatawan na ng contempt at pinapa-aresto para ikulong sa detention facility ng Kamara.