OWWA ARMM dinagsa ng mga OFW para sa humingi ng assistance

*Ilang OFW na mula sa ARMM ang nakauwi na o narepatriate na nitong nakalipas na mga araw mula sa bansang Kuwait…*
*Sinabi ni OWWA-ARMM Assistant Director Odin Abdullah, na marami na ang nakauwi na mga distress OFM na galing sa Kuwait ngunit hindi pa nila ma-account kung gaano karami ang bilang nila dahil may nanggaling sa island provinces at dito sa mainland maguindanao at Lanao.*
*Anya pa marami ng lumapit sa kanilang opisina para magprocess ng livelihood assistance at iba pa.*
*Samantala kailangan umanong kumuha ng clearance mula sa OWWA ang sinumang babalik sa bansang Kuwait na hindi pa natapos ang kanilang kontrata…*
*Ayon kay Sir Odin Abdullah, ang mga kasambahay o OFW lamang ang kukuha ng clearance, pero yung mga skilled workers ay hindi na kailangan…Maging mahigpit na ang DOLE at si pangulong Duterte sa mga pagpapadala ng OFW sa Kuwait dahil sa malupit na sinapit ng ilang pilipina.*

Facebook Comments