Inireklamo sa Office of the Ombudsman ng grupong Karapatan si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson at ilang opisyal ng gobyerno na sangkot sa red-tagging.
Kasong paglabag sa Republic Act 9851 o Act Against Humanitarian law ang isinampa laban kina Uson at mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sina National security adviser Hermogenes Esperon, Lt General Antonio Parlade Jr. at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy.
Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan, nagresulta ang red-tagging sa pagpatay sa mga human rights defenders.
Gayundin na ang pag red tag sa kanila sa social media at nagbunga ng pag-aresto at pagpapahirap.
Hirit ng grupo, dapat bilisan ng Ombudsman ang pag-aksyon sa kanilang reklamo