OWWA, tiniyak na mababayaran na ang mga quarantine hotels

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mababayaran na sa mga susunod na araw ang mga hotel na naging quarantine facility ng mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFW).

Kasunod ito ng mga reklamo ng mga hotel owner na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nababayaran ng gobyerno.

Ayon kay OWWA Deputy Administration Arnel Ignacio, may mga tseke na silang ilalabas sa mga susunod na araw matapos maipalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang pondo.


Aniya, natagalan ang kanilang pagbabayad sa mga hotel dahil hindi pa nila hawak ang pondo para dito.

Sa kasalukyan, mahigit 1,700 na mga OFW ang naka-quarantine pa sa 92 mga hotel at inaasahang bababa na ang mga numero na ito.

Facebook Comments