Ozamiz police chief Jovie Espenido, nagbabala sa mga narco-politicians na magbitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – “Mag-resign para humaba pa ang buhay…”

Ito ang babala ni Ozamiz City Police C/ Insp. Jovie Espenido sa ilan pang mga pulitiko na sangkot sa iligal droga.

Aniya, kahit saan siya ma-assign ay sisiguruhin niyang mananagot ang mga narco-politician.


Noong Lunes, matatandaang sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na posibleng ma-reassign si Espenido.

Si Espenido ang hepe ng Albuera, Leyte police nang mapatay sa selda ang dating alkalde nito na si Rolando Espinosa Sr.

Sunod siyang nadestino sa Ozamiz City kung saan napatay ang 15 katao kabilang si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Nabatid na nasa narco-list ni Pangulong Duterte sina Espinosa at Parojinog.

Facebook Comments