MALAYSIA – Hindi babawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon na payagang maihimlay si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa mga petisyon laban sa Hero’s burial sa dating Pangulo.Idinagdag pa ni Duterte, na walang mababago sa kanyang pasya kahit kausapin pa siya ni Senate President Koko Pimentel na kontra rin sa SC ruling.Samantala,pinaplantsa na ng pamilya Marcos ang mga detalye ng libing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Ayon kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, magiging simple lang ang libing ng dating Pangulo.Ipinagkibit-balikat naman ni Senador Bongbong Marcos ang pahayag ni Senate President na kakausapin niya si Pangulong Duterte para mapigilan ang Hero’s burial.
P-Duterte, Nanindigan Na Payagan Ang Hero’S Burial Kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos
Facebook Comments