P2.627 BILLION 2023 BUDGET NG AKLAN APRUBADO NA

Kalibo, Aklan – Matapos ang series ng budget hearing inaprubahan na ng Aklan 19th Sangguniang Panlalawigan Committee of the Whole ang P2.627 Billion 2023 Annual Budget ng Aklan. Ukol sa nasabing proposed budget nagsagawa ng briefing ang Provincial Local Finance Committee PLFC para sa General Fund at operation ng Economic Enterprise ng lalawigan para sa susunod na taon. Isinagawa ang nasabing briefing para sa benepisyo ng bawat miyembro ng Aklan Sanggunian na siyang nag review at bumusisi sa proposed budget naman ng iba’t-ibang kawani ng provincial government ng Aklan. Ang 2023 Annual Budget ay may tema ngayong “Strengthening Resilience Towards Recovery” kung saan nakatuon ang prayoridad nito para mapabuti ang health services, economic recovery at sustaining the momentum of transition from aftermath of the pandemic. Ang nasabing P2.627 billion budget ay ipinasa ni Governor Jose Enrique M. Miraflores sa tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan para ireview mataas ito ng 5% sa 2022 current budget na P2.513 billion kahit na bumaba ng 44% ang national tax allotment ng lalawigan sa susunod na taon na meron lang P1,523,810,729.00 mula sa P1,781,607,588.00 noong 2022. Mapupunta naman sa Regular Fund Budget ang P1,721,910,729.00 habang ang P905 million ay naka allocate sa operation ng Economic Enterprise. Kung pagbabasehan ang sectoral expenditures ang social services ang nakakuha ng pinakamalaking parti sa 2023 Annual Budget ng lalawigan na merong total allocation na P1,250,599,389.29 o 48% ng total budget sinusundan ito ng General Public Services na nakakuha naman ng P692,332,714.53 o nasa 26% ng nasabing budget at Economic Services na P683, 978, 628.18 na nasa 26% rin.
Facebook Comments