P257-M na halaga ng humanitarian assistance, naipagkaloob na sa mga naapektuhan ng trough ng LPA sa Mindanao

Pumalo na sa P257 million ang halaga ng humanitarian assistance ang naipagkaloob sa mga naapektuhan ng trough ng Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), bukod dito ay may iba pang resources ang kagawaran na aabot sa P2.3-B.

Sa kabuuan ay aabot na sa 1.7-M individuals o 497,536 families mula Maguindanao del sur, North Cotabato, Davao del sur, Davao Occidental, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur.


Sa kabila na bumuti na ang lagay ng panahon sa Mindanao, mayroon pa ring namamalagi sa 33 evacuation center na aabot sa 959 families o 4,060 individuals.

Nasa 5,690 families o 23,157 na individuals ang namamalagi sa kanilang mga kaanak.

Nasa 795 na bahay ang nawasak habang nasa 1,149 ang bahagyang napinsala dahil sa epekto ng trough ng LPA sa Mindanao.

Facebook Comments