Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa P3-milyong pisong halaga ng tulong-pangkabuhayan ang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) region 2 sa 100 benepisyaryo sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ang mga napiling benepisyaryo ng naturang tulong ay mga manggagawang kabilang sa informal sector na higit na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.
Ilan sa mga ipinamahaging tulong sa mga benepisyaryo ay gamit sa pagtatanim o paghahalaman, carpentry at welding machine, bread and pastry equipment, sewing machine, grocery items, food deliveries at iba pa.
Kaugnay nito, una nang namahagi ang naturang ahensya noong nakaraang taon ng 120 Nego Karts sa ilan din mga piling benepisyaryo.
Para naman matulungan ang mga benepisyaryo na magamit ng maayos ang kanilang natanggap na pangkabuhayan package, nagsagawa ng orientation ang nasabing ahensya at ng mapatakbo rin ng maayos ang kanilang nasimulang negosyo.
Facebook Comments