P68-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA at PNP sa Parañaque City

52

Nakumpiska ang P68 million na halaga ng shabu sa isang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parañaque City.

Kinilala ang arestado na si Ralel Barauntong, alias “Boss”, 29-anyos, residente ng Cabalan, Olongapo City.


Matapos kumagat sa inilalatag na buy-bust, ikinasa ng mga operatiba ng PDEA-NCR at ng Parañaque City Police Station sa bisinidad ng Ninoy Aquino Ave., Brgy. Sto. Nino, Parañaque City.

Nakuha kay alias “Boss” ang 10 kilo ng shabu, isang cellphone, isang gray Chevrolet Optra at 10 bundle ng boodle money na tig-1,000 peso bill.

Facebook Comments