Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Tabuk City Police Station na isang lalaki ang di umano’y magbibiyahe ng marijuana mula Tabuk City patungo sa lungsod ng Baguio.
Agad namang tumugon sa impormasyon ang pinagsamang operatiba ng Tabuk CPS, RDEU/RSOG, PECU, Kalinga EOD Canine Group, RID PRO-COR together kasama PIU, PDEU, 1st at 2nd KPFMC, 1503rd RMFB-15 at positibong ang naging resulta ng operasyon kaya’t inaresto ang suspek habang nasamsaman pa ito ng shabu.
Samantala, inamin ng suspek na maliban sa narekober na droga sa kanya ay mayroon pa itong tatlong (3) dried marijuana bricks na kanyang binili sa Purok 5, Bulanao, Tabuk City, Kalinga kamakailan.
Ipinasakamay naman ng suspek ang dahon ng marijuana na kanyang itinago sa kanyang bahay na tumitimbang naman ng humigit kumulang 3,000 grams at may halagang P360,000.
Ayon sa mga awtoridad, P840,000 ang kabuuang halaga ng nasamsam na iligal na droga sa estudyante.
Narekober naman ang ilang personal na gamit ng suspek na ngayon ay nasa pangangalaga ito ng mga awtoridad ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.