Motorsiklo ninakaw sa parking lot ng Aklan Provincial Hospital, suspek arestado

21
Kalibo, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang suspek sa pagnanakaw ng isang motorsiklo sa parking lot ng Aklan Provincial Hospital.
Base sa report, ang motorsiklo ay ay pagmamay-ari ng magkapatid na sina Josel Lomugdang, 49-anyos at Jagie Lomugdang, 42-anyos, lahat residente ng Brgy. Camansi Norte, Numancia, Aklan habang ang suspek ay nakilalang si Eric Santillano, 19-anyos at residente ng Brgy. Agcawilan, Lezo, Aklan.
Naaresto ang suspek sa kanilang bahay matapos na makipag coordinate ang Kalibo PNP sa Lezo PNP.
Itinuro ng suspek sa mga otoridad ang pinagtaguan nito ng motorsiklo kung saan itinali nya at ibinaon sa may sapa.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP si Santillano kung saan nahaharap ito sa kasong motornapping at may piyansang P 300,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Facebook Comments