4 Suspek kabilang ang Pintor, Huli na Humihithit ng Droga

46
Cauayan City, Isabela- Nahaharap ang apat (4) na drug personalities matapos maaktuhan na humihithit ng iligal na droga nang ikasa ang buy-bust operation pasado ala-1:00 ng hapon noong Sabado sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na si Alfredo Pedro Jr., 52-anyos, vendor; Richard Baltazar,43-anyos; Francisco Binoya,51-anyos, pintor pawang mga residente mula Roxas Isabela at Angelou Maniego,27-anyos, binata residente ng San Pablo, Aurora, Isabela.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang walong piraso ng pakete ng hinihinalang naglalaman ng iligal na droga na tumitimbang ng 11 grams at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P74,000; buy-bust money, mga drug paraphernalias, cellphone at isang sasakyan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments