P96-M HALAGA NG RICE PROCESSING SYSTEM AT FARM MACHINERY, IBINAHAGI NG DA

CAUAYAN CITY – Pormal nang binuksan ang Rice Processing System (RPS III) ng Diffun Saranay Development Cooperative (DISADECO) sa San Isidro, Diffun, Quirino.

Pinangunahan nina Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Governor Dax Cua ang nasabing seremonya.

Sa pahayag ni Sec. Laurel, ibinahagi nitong mapapabuti ang post-harvest systems sa bansa sa pamamagitan ng RPS III.


Maliban dito, makakatulong din ito para hindi na maibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga ani sa mababang halaga.

Nagbigay din ang DA sa ilang Farmer’s Association at cooperative ng Farm Machinery and Equipment na kanilang magagamit sa pagsasaka.

Umabot sa P96-M ang halagang inilaan para sa RPS III at Farm Machinery and Equipment ng Kagawaran.

Facebook Comments