Muling nanawagan ang Department of Interior and Local Government sa mga LGUs na tiyakin ang maayos at paglipat ng kapangyarihan at responsibilidad sa mga bagong halal na opisyal sa katatapos na halalan.
Ito na rin ang panahon na isantabi ang pulitika at interes ng partido sa halip paghandaan ang pagpalit ng bagong pamamahala.
Aniya nagsalita na ang taumbayan at panahon na magkaisa ang lahat at magtulong-tulong para sa kapakanan ng kanilang lokalidad.
Una nang naglabas ng Memorandum Circular ang DILG na nagaatas sa mga LGUs na bumuo ng Local Governance Transition Teams.
Magiging trabaho ng transition team na magsagawa ng imbentaryo sa mga ari-arian ng LGU, pag secure sa lahat ng official documents at records ng mga transaksyon at iba pa.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang DILG na magbigay ng trainings sa mga bagong halal na local officials sa pamamagitan ng Local Government Academy.