Paano maging wais sa pagpili?

Aminin niyo, kapag mas mahal ang isang bagay, hindi natin maiwasang maisip na mas maganda ang kalidad nito. Tipong pag nakita natin ang ballpen A na P25 ang maiisip natin ay mas magandang panulat iyon kaysa sa ballpen B na P10 lang. O kaya naman mas bibilhin mo ang tubig na P20 kaysa sa P15 kahit parehas lang naman silang 500 mL. O aminin! Tama, diba?

Ayon kay Taryn Williford sa akda niyang “The Psychology of Why We Prefer Expensive Things,” noong unang panahon daw nagsimula ang ganitong pag-iisip na mas maganda ang mas mahal. Noon kasi, ang mga inaangkat na mga hilaw na materyales ay dekalidad. Ngayon, hindi na ganoon. Madalas, kaya mas mahal ang isang bagay sa ibang katumbas nito ay dahil na rin sa pangalan o brand na dala nito.

Laging tatandaan: MAGING WAIS. Hindi naman sa lahat ng bagay, mas matibay ang mas mahal. Maging mapanuri sa mga bilihin. Kung ang electric fan na P350 ay nakapagbibigay rin naman ng hangin na kasing lakas ng electric fan na P500, doon ka na sa P350, mas mura!


 

Article written by Andrew San Fernando

Facebook Comments