
Cauayan City – Patuloy ang pagsasagawa ng Pabasa sa Nutrisyon sa Barangay Carabatan Bacareño, na layuning turuan ang mga magulang tungkol sa tamang nutrisyon para sa kanilang mga anak.
Sa panayam ng IFM News Team, sinabi ni Committee on Health Nelia Rivera na ang programa ay nakatuon sa mga nanay at tatay upang gabayan sila sa pagpili ng masustansyang pagkain para sa kanilang mga anak, na makakatulong upang mapanatili ang kanilang kalusugan at resistensya laban sa sakit.
Ipinagmalaki rin ni Rivera na walang naitatalang kaso ng malnutrisyon sa kanilang barangay at patuloy itong nananatiling zero case sa teenage pregnancy.
Bukod dito, patuloy rin ang interview at monitoring sa mga residenteng may hypertension at diabetes upang mabigyan sila ng tamang gabay sa kanilang kalusugan.









