HINDI NABABAYARANG UTANG, MADALAS IREKLAMO SA BRGY. SAN LUIS

Cauayan City – Isa sa mga karaniwang isyung hinaharap ng Barangay San Luis, Cauayan City, Isabela ay ang problema sa lending o hindi nababayarang utang.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Raymond Calimag, maraming nagpapautang ang dumudulog sa barangay upang ireklamo ang kanilang mga kliyenteng hindi nakakapagbayad.

Bilang tugon, pinagkakasunduan ng magkabilang panig ang isang kasulatan upang maiwasan ang mas malalang sigalot.

Ayon kay Kapitan Calimag, pangunahing dahilan ng mga hindi nakakapagbayad ang kawalan ng trabaho o hanapbuhay.

Sa kabila nito, nagpapakita siya ng pang-unawa sa kanilang sitwasyon, lalo na sa gitna ng mga hamon ng kabuhayan sa kasalukuyang panahon.

Facebook Comments