PABOR | Pagbuhay sa Community Training & Employment Coordinators, sinang-ayunan ng TESDA

Suportado ni Technical Education and Skills Development Authority Director General, Secretary Isidro Lapeña, na buhayin at bigyan ng kapangyarihan ang mga Community Training and Employment Coordinators (CTEC) sa bansa.

Nilikha noong panahon pa ng National Manpower and Youth Council (NMYC), ang mga CTEC ay mga empleyado ng Local Government Unit (LGU) na pinagkakatiwalaan sa planning, coordinating at evaluating ng mga tech-voc programs sa kanilang lokalidad.

Sinabi ni Lapeña na mahalaga ang pag-uugnayan ng TESDA at LGUs upang matiyak na maiparating sa komunidad, lalung-lalo na sa pinakamahirap na grupo ng mga mamamayan, ang ginagawa ng ahensiya.


Ipinangako ni Lapeña na bumuo at magpapatupad ng mga nauukol na plano sa pagpapaunlad ng mga kakayahan ng LGUs upang sila na ang gaganap sa mga responsibilidad sa pagbibigay ng community-based technical education at skills development opportunities.

Facebook Comments