PACQUIAO-MATTHYSSE | 70% ng ibinebentang ticket sa “Fight of Champions”, sold out na

Sold out na ang mahigit 70% ng ibinebentang tickets para sa tinaguriang “Fight of Champions” nina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse sa July 15.

Ayon kay Arnold Vegafria, MP Promotions Business Head ni Pacquiao – umaasa silang mauubos na rin ang natitira pang mga ticket sa susunod na araw.

Plano na rin daw nilang mag-alok ng discounts sa mga fans para sa natitira pang mga tickets.


Kabuuang 13,847 tickets ang inilaang ibenta sa mga boxing fans worldwide para sa 16,000 capacity na indoor stadium.

Facebook Comments