Padiriwang ng fiesta ni San Juan De Bautista sa Capiz, tatlo katao patay dahil sa pagkalunod

214

Roxas City, Philippines – Kahit naging malawakan ang panawagan ng Philippine Coast Guard at PDRRMO na maging alerto at maingat, nasa tatlo pa rin ang binawian ng buhay sa mga baybayin sa Capiz kasabay ng pagdiriwang ng fiesta ni San Juan De Bautista noong nakaraang araw ng Sabado, Hunyo 24.

Dead on arrival sa ospital si Nelida Espada ng Tiza, Roxas City matapos malunod habang naliligo sa baybayin ng Brgy. Baybay, lungsod ng Roxas.

Patay naman ang isang mangingisda sa Brgy. Dumolog nang tangayin ng malakas na alon papunta sa malalim na bahagi ng dagat. Kinilala ang biktima na si Noel Vasquez 41 anyos ng nasabing barangay.


Hindi rin nakasalba ang isang 61-anyos na si Dominador Porras matapos malunod sa baybayin ng Casanayan, Pilar, Capiz.

 

Facebook Comments