Pag-aaral sa posibleng taas-sahod ng mga kawani ng pamahalaan, target tapusin ngayong Hunyo

Target ng Department of Budget and Management (DBM) na tapusin ang pag-aaral o Compensation and Benefits Study bago matapos ang buwan para sa taas-sahod ng mga taga gobyerno.

Ayon sa DBM, sakop ng pag-aaral ang kasalukuyang compensation system kabilang ang sweldo, mga benepisyo at allowances para matukoy kung saan ang dapat ayusin.

Kabilang din dito ang pagkukumpara ng pasahod sa pribadong sektor, at pagkonsidera ng patas at sustainable na pagbabayad na makabubuti sa kapakanan at productivity ng mga empleyado ng gobyerno, gayundin ang epekto ng inflation.


Ang resulta ng pag-aaral na ito ang magsisilbing basehan kung magkakaroon ng pagbabago sa Total Compensation Framework ng civilian government personnel para matiyak ang napapanahong sahod para sa mga nagtatrabaho sa pamahalaan.

Facebook Comments