Lalo pang nawalan ng pag-asa ang stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pilipinas na makabalik ng Hong Kong.
Ito ay matapos ianunsyo ng Hong Kong Government na malabo pang alisin ang flight ban sa Pilipinas at 8 mga bansa.
Sa ngayon kasi, patuloy pang lumalaban ang Hong Kong sa ikalimang wave ng COVID-19 surge doon.
Halos 60,000 pa rin kasing mga bagong kaso ng infection ang naitatala sa Hong Kong kada araw.
Bunga nito, lumipat na muna sa ibang bansa ang OFWs na ilang buwan nang hindi makabalik sa kanilang trabaho sa Hong Kong.
Facebook Comments