4-TAONG GULANG NA BATA, GINAHASA NG SARILING AMA; SUSPEK ARESTADO

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang lalaki na kabilang sa Top 10 Regional Level matapos umanong gahasain ang noo’y apat na taong gulang nitong anak sa Brgy. Ampakleng, Diadi, Nueva Vizcaya.

Ayon sa report ng PNP, kinilala ang suspek na si Armando Kimmayong,58-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Nadakip ang suspek sa Brgy. Progreso, Aglipay, Quirino sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rogelio Corpuz, Presiding Judge RTC BR 29, Bayombong Nueva Vizcaya matapos ang ginawang Manhunt operation ng mga awtoridad.

Taong 2013, nang paulit-ulit umanong gahasain ng suspek ang kanyang sariling anak. Kahaharapin naman ni Kimmayong ang kasong 8 counts ng RA 7610 at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na ngayon ay nasa kustodiya ito ng PNP para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments