Pag-asa, pagdamay at pagkakaisa, dapat pairalin ngayong Pasko

Ngayong Pasko ay nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa mamamayan na palakasin pa ang bayanihan spirit at patuloy na makipagtulungan sa gobyerno habang dinadamayan ang kapwa.

Sinabi ni Go na napakarami nating pinagdaanan ngayong taon subalit dahil sa ating patuloy na pagmamalasakit at pagbabayanihan at sa maayos na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahan-dahan na nating nakikita ang liwanag ng pag-asa upang tuluyang malampasan ang kasalukuyang pandemya.

Tiniyak ni Go na patuloy ang paglilingkod at pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit nila ni Pangulong Duterte upang makapagbigay ng bagong pag-asa sa bawat Pilipino.


Umaasa si Go na sa Paskong ito ay mas lalo tayong magkaisa, magtulungan at magmahalan upang malampasan ang mga hamon ng buhay bilang isang mas matatag na bansa.

Kasabay ng mainit at taos-pusong pagbati ni Go ng isang maligaya at mapayapang Pasko ay ang panalangin para sa isang manigo at ligtas na Bagong Taon.

Facebook Comments