Pag-asiste ng Philippine Embassy kay FPRDD sa The Hague, nagpapakita ng malasakit ng administrasyon at pagsunod sa humanitarian law

Pinuri ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang pagtulong ng embahada ng Pilipinas sa The Hague kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kasama.

Base sa report ay binilhan ng Philippine Embassy si dating Pangulong Duterte ng mga winter clothing, at iba pang mga damit at kailangang gamit at binigyan din ng 15 araw na visa si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayon kay Gonzales, ang nabanggit na hakbang ng ating embahada ay nagpapakita ng malasakit ng administrasyong Marcos at pagsunod sa international humanitarian law.


Dagdag pa ni Gonzales, patunay rin ito na ginagawa ng pamahalaan ang tungkulin na tulungan ang ating mga kababayan ordinaryo man o dating opsiyal ng bansa.

Kaugnay nito ay binigyang diin naman ni Gonzales na ang pananatili ng dating pangulo sa The Hague ay magbibigay sa kanya ng pagkakataong mailahad ang kanyang panig sa tamang forum kaugnay sa akusasyong crimes against humanity.

Facebook Comments