Ilang e-wallet, nagpatupad na ng limit sa daily transactions upang maiwasan ang vote buying —Comelec

Bilang bahagi ng paraan para iwasan ang pamimili ng boto, nilimitahan ng mobile wallet na GCash ang kanilang daily transactions.

Alinsunod sa Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 11104, layon nitong masiguro na hindi nagagamit ang e-wallet sa mga iligal na election activities.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hinihikayat din niya ang iba pang kapareho nitong platform na magpatupad din ng limit pansamantala upang labanan ang vote buying ngayong darating na midterm elections.


Tatagal hanggang May 12 ang arawang limit ng GCash at ibabalik ang normal na transaksyon kinabukasan o sa May 13.

Sa sandaling maabot ng user ang daily limit, sa susunod na araw na ito ulit pwedeng gumawa ng transaksyon at sakop din ng temporary restrictions maging ang mga business user.

Facebook Comments