Pag-Atake ng Rice Black Bug o “Itim na Dangaw” sa mga Palayan, Binabantayan pa rin ng DA Region 2

Cauayan City, Isabela- Mahigpit pa rin na binabantayan ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang posibleng pag-atake ng mapaminsalang Rice Black Bug (RBB) o itim na dangaw sa mga pananim na palay sa buong lambak ng Cagayan.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo, patuloy pa rin nilang babantayan ang insektong ito maging ang fall armyworm o harabas sa mga pananim na mais upang maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.

Sa radio program na Agri- Director’s Hour, binigyang diin nito na kailangang mabantayan ang mapaminsalang insekto dahil kalimitan itong umaatake sa mga palay tuwing papalapit ang anihan o harvest season.

“𝘔𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘢𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘩𝘢𝘳𝘷𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘢𝘨𝘦 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘢𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘨𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢. 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘺𝘢𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘯𝘨 𝘍𝘈𝘞 𝘪𝘯𝘤𝘪𝘥𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘴𝘢 𝘦𝘢𝘳𝘭𝘺 𝘴𝘵𝘢𝘨𝘦 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘴.”

Ayon pa kay Edillo, nasa 96 porsyento na ang nakapagtanim ng mais at 70 porsyento naman sa pananim na palay. Kung saan inaasahan na tataas pa ang bilang nito sa mga susunod na araw.

“𝘒𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 300,000 𝘦𝘬𝘵𝘢𝘳𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘪𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘩𝘪𝘺𝘰𝘯. 𝘈𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢 𝘦𝘹𝘵𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘢 𝘕𝘪𝘯̃𝘢 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘈𝘎𝘈𝘚𝘈 𝘸𝘦𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘤𝘢𝘴𝘵.”

Samantala, ayon naman kay Gng. Minda Flor Aquino, SRS III, mayroon pa ring binabantayan na kaso ng RBB sa buong rehiyon kung saan nasa 602 na ektaryang lupain ang apektado nito.

Maiiwasan aniya ito basta sundi lamang ang mga rekomendadong pamamaraan sa pagsugpo nito.

“𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘪𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘪𝘮 𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘣𝘰𝘷𝘦 𝘸𝘢𝘵𝘦𝘳 𝘭𝘪𝘯𝘦 𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘵𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘱𝘢. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘶𝘨𝘢𝘭𝘪𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘴𝘪𝘵𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘪𝘮 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘭𝘰𝘨,” 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪 𝘈𝘲𝘶𝘪𝘯𝘰.

Dagdag pa niya, naging malaking tulong din ang pagbibigay ng DA Rehiyon Dos na mga light traps sa mga bayan para maagapan ang pagdami at makapanira ng taniman.

“𝘉𝘶𝘬𝘰𝘥 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘵𝘳𝘢𝘱𝘴, 𝘯𝘪𝘳𝘦𝘳𝘦𝘬𝘰𝘮𝘦𝘯𝘥𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘴𝘱𝘳𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘦𝘴𝘵𝘪𝘤𝘪𝘥𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘤𝘵𝘪𝘤𝘪𝘥𝘦𝘴 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘰𝘱𝘶𝘭𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘉𝘪𝘰𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘰𝘭 𝘈𝘨𝘦𝘯𝘵𝘴 (𝘉𝘊𝘈𝘴) 𝘰 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰.”

Nagpaalala naman ang ahensya sa mga magsasaka na ipagbigay alam sa tanggapan ng Department of Agriculture Rehiyon Dos na bisitahin at kontakin ang DA Regional Crop Protection Center kung sakaling may kahina-hinalang pagsulpot ng Rice Black Bug at Fall Armyworm sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments