Pagsasara ng Palengke sa Lungsod ng Cauayan, Walang Katotohanan!

Cauayan City, Isabela- Pinabulaanan ni City Mayor Bernard Dy ang kumakalat na impormasyon sa social media na magsasara sa darating na Linggo ang palengke sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, kanyang nilinaw na ang kumakalat na pagpapasara ng palengke ay sa bayan ng Isabela sa probinsya ng Negros Occidental na bunsod pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic.

Iginiit nito na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng mga pamilihan sa Lungsod subalit striktong ipapatupad ang mga alituntunin sa ilalim ng GCQ.


Samantala, hinihintay pa rin ng Lungsod ng Cauayan ang feedback ng national government para sa pangalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Umaasa naman ang alkalde na maibibigay pa rin sa mga benepisyaryo ang 2nd wave ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Facebook Comments