Sugatan ang limang miyembro ng isang pamilya matapos sumabog at matupok ang kanilang bahay na pagawaan at imbakan din umano ng mga paputok sa Caranglaan District, Dagupan City.
Kabilang sa mga nasugatan ay si Jesus Yanes na siyang padre de pamilya at pangunahing nagpapatakbo sa naturang pagawaan, sugatan din ang asawa, anak, manugang at apo nito.
Agad narespondehan ng BFP Dagupan ang sunog na umabot sa 45 minuto..
Sa panayam ng iFM Dagupan kay CINSP Bryan Pocyao ang City Fire Marshall na di umanoy habang natutulog ang mag-anak ng biglang nalang may pagsabog at natupok ang kanilang bahay kasama ang mga paputok.
Dagdag pa nito na aminado ang pamilya na kulang sila sa kaukulang mga papeles.
Tinitignan dahilan ng pagsabog ayon sa BFP ay ang Christmas lights na maaring dumampi sa mga paputok at nag-init.
Tinataya aabot sa humigit kumulang na 100,000 ang tinatayang halaga ng danyos sa nasabing sunog. Dahil sa lakas ng pagsabog ay nagiba ang ilang parte ng kanilang tahanan tulad ng pader nito.
Sa ngayon ay patuloy ang BFP Dagupan sa pag-imbestiga sa naturang sunog.
Photo Credit: Public Information Office Dagupan facebook page
Pagawaan ng paputok nilamon ng apoy sa Dagupan City, 5 miyembro ng pamilya sugatan
Facebook Comments