Pagbabakuna kontra COVID-19 sa Maynila, kanselado

Nag-abiso ngayon ang lokal na pamahalaan ng Maynila na kanselado muna ngayong araw ang ikinakasang COVID-19 vaccination program.

Ito’y dahil sa pakikiisa ng buong lungsod sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day.

Dahil dito, ang ilan na mga indibidwal na nagpa-schedule partikular ang mga may commorbidities ay inabisuhan na abangan na lamang ang ilalabas na anunsyo ng Manila Health Department.


Nabatid na ibabalik naman bukas, August 30 ang ikinakasang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Samantala, sa inilabas na datos ng Manila Local Government Unit (LGU), umaabot na sa 3,509,055 ang bilang ng mga bakunang kanilang nagamit kung saan 1,820,587 dito ay naiturok bilang first dose.

Nasa 301,114 naman na mga menor de edad na nasa 12-17 taong gulang ang nabakunahan habang 147,376 na mga batang may edad 5-11 taong gulang ang nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments