Pagbabakuna kontra COVID, maaring isabay sa pamamahagi ng social pension sa mga senior citizen

87

Iminungkahi ni Senator Nancy Binay na sabayan ng pagbabakuna laban sa COVID-19 ang pagre-release ng social pension ng mga senior citizen.

Suhestyon ito ni Binay sa pagdinig ng Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development ukol sa mga panukalang batas na naglalayong itaas sa P1,000 ang kasalukuyang P500 na social pension ng mga senior citizen.

Paliwanag ni Binay, makakatulong para mas maraming senior citizen ang mahihikayat magpabakuna kung isasagawa ito kasabay ng cash payout o pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng social pension.


Diin ni Binay, kailangang maging creative o malikhain sa paghahanap ng paraan para mahimok ang ating mga kababayan na magpa bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments