Pagbabalik ng Death Penalty, Dapat Munang Pag-aralan

Cauayan City, Isabela- Kinakailangan muna ng masusing pag-aaral bago isabatas ang isinusulong na muling pagbuhay sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sanguniang Panlalawigan Member Atty. Randy Arreola, maganda aniya ang layunin ng death penalty subalit kailangan pa rin na busisihin ito ng mabuti kung paano ang implimentasyon nito at magiging impak sa mamamayang Pilipino.

Dapat aniya ay maging transparent o walang pinipili ang mga mag iimplimenta rito maski mayaman o mahirap ang sangkot o di kaka’y mga matataas na personalidad.


Suhestiyon ni Atty. Arreola, dapat lahat ng heinous crime o mga karumal-dumal na krimen at mga sangkot sa korapsyon ang isama sa parusang kamatayan para hindi lamang yung mga masasangkot sa illegal na droga.

Bagamat may mga abogado aniya na tutol sa pagbabalik ng death penalty at ayusin na lamang ang sistema sa pagbibigay ng hustisya ay sinabi naman ni Atty. Arreola na ang pagpapatupad ng parusang kamatayan ay nakadipende sa nararanasang sitwasyon ng bansa o sa kung anong batas ang kinakailangan nito para sa kapakanan ng nakararami.

Samantala, inamin naman ni Atty. Arreola na nakulangan siya sa naging State of the Nation Address o SONA ng ating Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi aniya nito gaanong nabigyan ng diin ang pagtalakay sa problema sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments