Pagbabanta at pananakot ng ilang grupo sa mga mambabatas, fake news ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano

Pinasinungalingan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang umano’y pagbabanta at pananakot ng ilang grupo sa mga mambabatas para impluwensyahan ang botohan sa magiging kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN.

Aniya, ang mga “clumsy attempt” na ito ay malinaw na nagpapakita ng banta sa pagiging patas ng House Committee on Legislative Franchises.

Una nang umapela si Cayetano sa kanyang mga kapwa mambabatas na bumoto sa franchise bid ng ABS-CBN base sa kanilang konsensya.


Giit naman ni Bayan Muna Rep. Cong. Carlos Isagani Zarate, hindi dapat gawing dahilan ng mga elected officials ang mga isyung ibinabato sa kanila ng abs-cbn para hindi bumoto pabor sa TV Network.

Normal na lang kasi aniya sa isang politiko na mapuna dahil bahagi ito ng kaniyang trabaho.

Sinabi naman ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na kailangang magkaroon ng patas na paglalahad ang mga opisyal sa magiging boto ng mga ito kung papalawigin pa ang prangkisa ng ABS-CBN.

Maaari kasi aniyang kwestunin ng publiko ang mga naturang opisyal sa oras na hindi magkaroon ng pagkakaintindihan ang dalawang panig.

Facebook Comments