Pagbabawal sa mga employer na kontakin ang empleyado kapag rest hours, suportado ng DOLE

Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukalang nagbabawal sa mga employers na kontakin ang kanilang mga empleyado habang oras ng pahinga o rest hours.

Ayon kay Sec. Silvestre Bello III, magandang panukala ito dahil ang mga manggagawa ay may sinusunod na tamang oras ng trabaho.

Aniya,dapat pagmultahin ang mga employer na hindi nagbabayad ng overtime pay ng kanilang mga manggagawa.


Sa oras na maisabatas ito ay hindi na maaaring magtrabaho ang mga empleyado ng lagpas sa kanilang oras lalo na kung oras ng pahinga.

Facebook Comments