Pagbabawal sa mga menor de edad na mag-isang bumiyahe, pinag-aaralan ng konseho ng Cagayan de Oro

Pinag-aaralan ngayon ng konseho ng Cagayan de Oro City sa youth committee ang pagbabawal sa mga menor de edad na mag-isang bumiyahe papasok at palabas ng syudad.

Layon nitong maprotektahan ang kabataan lalo na sa mga mapagsamantalang tao at masugpo ang mga insidente ng child trafficking.

Napag-alaman na sa naturang panukala, bawal nang bumiyahe ang mga menor de edad kung walang kasamang magulang o legal guardian.


Dahil dito, nakatakdang magsagawa ng public hearing sa syudad hinggil sa naturang usapin.

By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments