Clint Bondad, trending matapos mag-post ng ‘’creepy’’ message

Trending ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad nang mag-post ito ng ‘’creepy’’ message matapos ang ilang araw na nag-direct message kay Sam Milby, ang kasalukuyang boyfriend ni Cat.

Sa Instagram account ni Clint, pinag-usapan ang random posts niya sa kaniyang IG story kung saan binanggit niya ang pangalan ni ‘’Sam’’ at pasaring na walang dapat ipag-alala ang aktor dahil ‘’ex’’ lang naman siya ni Catriona.

Kasama rin sa kaniyang mga post ang pahayag nitong hindi simbahan ang dating App na dahilan ng pagkakakilala ng magkasintahan.


Sa ngayon ay usap-usapan ng netizens ang nasabing post at naglabasan ang ilang clues na pinaniniwalaan nilang tunay na kahulugan ng mga ito.

Facebook Comments