Sa nalalapit na paggunita ng Undas, muling nagiging patok sa mga Pangasinense ang tradisyunal na kakanin tulad ng “inlubi” o black rice cake.
Sa Dagupan City public market, nagsimula nang magbenta ng deremen, pangunahing sangkap ng inlubi, si Aling Myrna para sa mga nais gumawa ng kakanin.
Ayon sa mga tindera, ang isang litse ng deremen ay nagkakahalaga ng 35 pesos, habang ang inlubi naman ay nasa pagitan ng 60 hanggang 80 pesos kada serving.
Ang ilan sa kanila ay tumatanggap din ng mga nagpapagawa ng inlubi at ginataang deremen mula sa mga mamimili.
Ayon sa mga tindera, tuwing panahon ng paggunita ng undas lamang nagsisilabasan ang mga panindang inlubi dahil dito raw karaniwang tumataas ang kanilang benta, na sa ngayon ay matumal pa.
Facebook Comments










