Pagbibigay Insurance ng Establisyimento sa mga Kustomer, Ipinapanukala!

*Cauayan City, Isabela-* Pinag-aaralan na ngayon ng Cauayan City Council ang pagsulong sa ipinapanukalang ordinansa na pagbibigay ng Insurance sa mga kustomer ng mga establisyimento.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Arcoi Meris, Chairman ng Committee on Environmental Protection and Ecology, tinalakay na ito sa ikalawang pagdinig hinggil sa pagbibigay insurance sa mga customer kung sakaling maaksidente habang nasa sakop ng isang business establishment.

Aniya, malaking tulong ito para sa mga kustomer upang matiyak din ang kanilang kaligtasan habang nanatili sa isang establisyimento.


Kabilang umano sa mga mabibigyan ng tulong kung sakaling pumasa ang kanilang ipinapanukala ay ang mga namatay o malalang nasugatan na naaksidente sa isang business establishment.

Nakatakda namang ipatawag sa huwebes ang ibat-ibang grupo ng mga Accredited Insurance Team upang pag-usapan kung magkano ang kanilang ibibigay sa mga hindi inaasahang pagka aksidente ng kanilang mga customer.

Ang naturang ordinansa ay isasailalim pa sa ilang pagbasa bago aprubahan sa City Council at ng alkalde ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments