Matapos na makapagtala ang bansa ang unang kaso ng Monkeypox, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na palakasin pa ang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa nasabing sakit.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ito ay upang mapataas ang kamalayan ng publiko tungkol sa monkeypox at maiwasan ang pagkalat nito
Una nang tiniyak ng DOH sa publiko na ang mga mekanismo laban sa virus ay nakakasa na.
Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus.
Facebook Comments