Sinuspendi ng OWWA-ARMM ang pagbibigay ng Medical assistance sa mga umuwing OFW makaraang mapasukan ito ng sindikato. Ayon kay OWWA-ARMM assistant director Odin Abdillah, na truck truck na mga dating OFW ang dumagsa kamakalawa sa kanilang tanggapan na nais na magfile ng medical assistance.. Nagduda umano sila Sir Abdullah dahil marahihan ang pagtungo ng mga OFW sa opisina. Batay sa kanilang pagsagawa ng inbestigasyon, nabatid na may ilang katao ang nagrecruit sa mga dating OFW na kinokolektahan ng 700 pesos kada isa para daw makakuha ng medical assistance sa OWWA. Anya pa dagsa din ang pagkuha nila ng medical report sa CRMC kayat silay nagduda na pinasukan ng tiwaling tao ang kanilang programa, kayat mula ngayon ay kanilang sinuspendI muna ang nasabing programa at ang pinakahuli na kanilang na-entertain ay ang 50 katao kahapon. Umaabot umano sa 20,000 ang makukuha ng medical assistance na pwede pang tataas depende sa sakit.
Pagbibigay ng medical assistance ng OWWA ARMM sinuspende
Facebook Comments