PAGBUBUKAS NG AKLAN COVID-19 LABORATORY PINAGHAHANDAAN,MGA LABORATORY PERSONNEL SUMAILALIM NA SA TRAINING

Kalibo, Aklan – Sumailalim na sa training ang 8 laboratory personnel na siyang mag ma man sa operation ng Aklan COVID-19 laboratory.
Ayon kay Provincial Health Officer I Dr. Cornelio Cuachon Jr., ng PHO-Aklan nagpadala na sila ng 7 medical technologists at 1 pathologist sa University of the Philipines UP Visayas National Institute of Molecular Biology and Biotechnology NIMBB Laboratories, College of Fisheries and Ocean Science para mag training sa molecular techniques kagaya ng Ribonucleic Acid o RNA extraction at Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction RT-PCR para sa COVID-19 testing.
Ito aniya ayon kay Dr. Cucahon ay kaparte ng kanilang preparasyon para sa pagbubukas ng sariling COVID-19 laboratory sa lalawigan ng Aklan.

Facebook Comments