Pagbuo ng regional anti-smuggling task force, iniutos ni Finance Secretary Dominguez sa Bureau of Customs

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Bureau of Custom ang pagbuo ng regional anti-smuggling task force.

Layon nitong masugpo ang anumang uri ng katiwalian sa mga lalawigan na kadalasan nagiging entry point ng mga smuggled goods.

Plano rin ng DOF na magkaroon ng regular na pagpupulong hindi lang sa national headquarters kundi maging sa regional offices.


Umaasa naman si Dominguez na magkaka-isa ang BOC at ang Bureau of Immigration para wakasan ang smuggling activities sa bansa.

Facebook Comments