Pagbusisi sa kaduda-dudang transaksyon kaugnay sa Malampaya, sakop ng tungkulin ng Senado

Kinontra ni Senador Win Gatchalian ang paratang ng Department of Energy (DOE) na inaantala ng Senado ang timeline ng work program ng Malampaya consortium sa pagbusisi sa mga bentahan ng shares sa Malampaya gas field.

Giit ni Gatchalian, Hindi tamang akusahan ang Senado na nagiging dahilan ng pagkaantala ng anumang timeline o work program ng consortium sa Malampaya.

Diin ni Gatchalian, kabilang sa mga tungkulin ng Senado ang panagutin ang mga ahensya ng gobyerno sa mga kaduda-dudang transaksyon.


Paliwanag ni Gatchalian, sila sa Senado ay tumutupad lamang sa kanilang oversight functions bilang bahagi ng check and balance mechanism sa gobyerno sa kadahilanang malaki ang papel ng Malampaya sa pagsisiguro ng suplay ng enerhiya ng ating bansa.

Diin ni Gatchalian, Filipino consumers din sila na may karapatang magtanong at panagutin kung mayroon mang nagkasala.

Facebook Comments