Pagbuwag ng NAPOLCOM sa area police command, nirerespeto ng PNP

Umaabot sa 158 na second level personnel na may ranggong Corporal hanggang LtCol at 26 na third level police officers na may ranggong Col hanggang Lt. Gen. ang apektado ng resolusyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) na buwagin na ang Area Police Command (APC).

Ayon kay PNP Spox at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, bagama’t na deactivate ang mga APC mayroon namang vacancy sa PNP post sa mga susunod na araw at bwan kung kaya’t walang maaapektuhang pulis ng nasabing pagbuwag sa APC.

Ito aniya ang rason kung bakit inihirit ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na gawing hinay hinay ang transition upang walang maffloating na mga opisyal ng PNP.


Ang mga pulis na kabilang sa APC deactivation ay ittransfer sa bagong tatag na Negros Island Region habang ang iba ay ililipat sa PNP command group.

Ang APC ay itinatag ni retired PNP chief Gen. Camilo Cascolan noong 2022 kung saan nabatid na mayroong 5 APCs ang PNP kabilang ang Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, Eastern Mindanao at Western Mindanao na pinamumunuan ng three-star police generals.

Pinabuwag kamakailan ng NAPOLCOM ang APC dahil sa duplication of function kung saan ayon sa NAPOLCOM ang trabaho ng mga APCs ay maaari namang gampanan ng mga Regional Offices.

Facebook Comments