MANILA – Sinimulan na ng House Sub-Committee on Correctional Reforms ang imbestigasyon sa nangyaring riot sa new bilibid prison noong setyembre 28.Iprinesinta ng Phil. National Police sa pangunguna ni Deputy Chief for Operations Dir. Benjamin Magalong ang resulta ng kanilang imbestigasyon.Batay sa kanilang report walang nangyaring riot, kundi dalawang magkahiwalay na pananasak o stabbing incident.Ayon kay CIDG Investigator Supt. Francisco Ebreo, lumabas sa kanilang report na ang pananaksak sa inmate na si Jaybee Sebastian ay para pigilan umano ito na makapagtestigo sa imbestigasyon ng kamara kaugnay sa drug trade sa NBP.Pinangalanan ng mga pulis sina Clarence Dongail, Edgar Sinco at Tomas Donina na nagsimula ng nasabing kaguluhan.Aminado naman si Magalong na hindi nila nalaman ang motibo sa nangyaring saksakan kaya hanggang ngayon ay wala pang kinakasuhan.Bukod sa nangyaring rito, aalamin din ng kamara ang umano’y anomalya sa catering service sa New Bilibid Prison at ang report ni Gen. Magalong na hindi sila isinama sa Dec. 2015 ‘oplan galugad”
Pagdinig Ng Kamara Sa Nangyaring Riot Sa New Bilibid Prison, Umarangkada Na – Dahilan Ng Pananaksak Sa Inmate Na Si Jayb
Facebook Comments